Tumirada ng jumper si rookie Luka Doncic ng Mavericks laban kay Kevin Durant ng Warriors.
Doncic nagpasikat sa panalo ng Mavs Laban sa Warriors
(Pilipino Star Ngayon) - November 19, 2018 - 12:00am

DALLAS — Ipinakita ni rookie sensation Luka Doncic sa Mavericks kung ano ang aasahan sa kanya.

Umiskor si Doncic ng 24 points, kasama ang isang short jumper na tumi­yak sa kanilang panalo, pa­ra pangunahan ang Dallas sa 112-109 paglusot laban sa bisitang Golden State Warriors.

Nagmula ang 19-an­yos na Slovenian mu­la sa paggiya sa Real Mad­rid sa korona ng naka­raang 2018 Euro League season.

Isinalpak ni Doncic ang isang 10-footer sa huling 1:10 minuto ng fourth period para ibigay sa Mave­ricks ang 109-108 bentahe kasunod ang dalawa niyang free throws sa na­la­labing pitong segundo pa­ra selyuhan ang kanilang panalo laban sa Warriors.

“I've been doing this when I was in Madrid, too,” sa­bi ni Doncic. “I love the last-minute shot. (But) of course it's different. It's the NBA. It's the best league in the world.”

Nagdagdag si Harrison Barnes ng 23 points para sa pang-apat na dikit na ratsada ng Mavericks.

Ito ang ikalawang pag­kakataon na tinalo ng Dallas ang Golden State sa na­karaan nilang 19 pag­tu­­tuos.

Muling naglaro ang Gol­den State na wala sina in­jured starters Stephen Curry at Draymond Green.

Nalasap ng Warriors ang ikaapat nilang kabiguan sa huling anim na laro.

Humataw si Kevin Durant ng 32 points, ngunit may 3 markers lamang sa kabuuan ng fourth quarter mula sa 1-for-7 fieldgoal shooting.

Nagdagdag si Klay Thompson ng 22 points para sa two-time defending NBA champions.

Sa Charlotte, kumonekta si Jimmy Butler ng isang three-pointer sa pagtunog ng final buzzer sa overtime at naungusan ng Philadelphia 76ers ang career-high na 60 points ni Kemba Walker para talunin ang Hornets, 122-119.

Tumapos si Butler na may 15 points sa kanyang ikatlong laro para sa bago niyang koponan, samanta­lang may 23 markers si JJ Redick tampok ang dalawang krusyal na jumpers sa overtime.

Humakot si center Joel Embiid ng 33 points at 11 rebounds, habang nagdag­dag si Ben Simmons ng 23 points, 11 rebounds at 9 assists para sa ikatlong pa­nalo ng Philadelphia laban sa Charlotte ngayong season.

Ang 60 points ni Walker ang pinakamarami nga­yong season na nagbasura sa naunang 52 markers ni Klay Thompson ng Golden State Warriors laban sa Chicago Bulls noong Oktubre 29.

Sa Chicago, nagtala si Fred VanVleet ng 18 points, habang nag-ambag sina Danny Green at Serge Ibaka ng 17 at 16 markers, ayon sa pagkakasunod, pa­ra akayin ang Raptors sa 122-83 tagumpay kontra sa Bulls.

Winakasan ng Toronto ang kanilang three-game losing slump mula sa 3-of-3 clip sa 3-point line.

Hindi naglaro para sa Raptors si leading scorer Kawhi Leonard.

Pinangunahan ni Antonio Blakeney ang Chicago, nalasap ang ikaapat na su­nod na kamalasan, mula sa kanyang 13 points kasunod ang tig-12 markers nina Justin Holiday at Jabari Parker.

Sa Phoenix, umiskor si Paul George ng 32 points, habang nagdagdag ng 26 markers si Steven Adams para pamunuan ang Oklahoma City Thunder sa 110-100 panalo laban sa Suns at ilista ang kanilang ika-10 panalo sa huling 11 laro.

Naglaro ang Thunder na wala si Russell Westbrook.

LUKA DONCIC MAVERICKS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with