^

PSN Palaro

Warriors kinapos sa Nuggets

Pilipino Star Ngayon
Warriors kinapos sa Nuggets
Nailusot ni Gary Harris ng Nuggets ang kanyang lay-up laban sa Warriors sa aksyong ito.

DENVER -- Kumamada si Gary Harris ng 28 points para banderahan ang Nuggets sa 100-98 pagtakas kontra sa nagdedepensang Golden State Warriors.

Sinupalpal naman ni Juancho Hernangomez ang layup ni Damian Jones bago ang pagtunog ng final buzzer para selyuhan ang panalo ng Denver.

Nakabangon ang Gol­den State mula sa 13-point deficit sa fourth quarter at nagkaroon ng tsansang maitabla ang iskor nang sumalaksak si Stephen Curry at ipinasa ang bola kay Jones.

Si Jones ay sinupalpal naman ni Hernangomez sa likod para ipreserba ang 3-0 baraha ng Nuggets.

Kumolekta si Nikola Jokic ng 23 points, 11 rebounds at 6 assists para sa Denver.

Ang 3-0 baraha ang pinakamagandang si­mula ng Nuggets matapos noong 2009-10 squad na pinamunuan nina Carmelo Anthony at Chauncey Billups na dumiretso sa 5-0.

Nagsalpak naman si Curry ng tatlong sunod na tres  sa loob ng 1:11 minuto para pangunahan ang pagbabalik ng Golden State sa fourth period.

Tumapos siya na may 30 points kasama ang anim na 3-pointers para alpasan si Paul Pierce sa sixth place sa NBA's career list.

Nagdagdag si Kevin Durant ng 20 points at 11 rebounds para sa Warriors.

Sa Oklahoma City, humataw si Iman Shumpert ng 26 points at binigo ng Sacramento Kings ang Thunder, 131-120 sa season debut ni Russell  Westbrook.

Humakot si Westbrook ng 32 points, 12 rebounds at 8 assists para sa una niyang regular season game para sa Oklahoma City.

Sa Cleveland, nagpa­sabog si rookie Trae Young ng 35 points at nagtala ng 11 assists  habang nag-ambag si Kent Bazemore ng 23 markers para pamunuan ang Atlanta Hawks sa 133-111 paglampaso sa Cavaliers.

Ito ang ikatlong sunod na kamalasan ng Cavaliers sa kanilang unang season na wala si James.

vuukle comment

GOLDEN STATE WARRIORS

NUGGETS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with