^

PSN Palaro

Pocari reresbak sa Tacloban

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Reresbak ang Pocari-Air Force sa oras na makaharap nito ang Tacloban Fighting Warays sa pagpapatuloy ng Premier Volleyball League Season 2 Open Conference sa The Arena sa San Juan City.

 

Lalarga ang Lady Warriors kontra sa Fighting Warays sa alas-4 ng hapon na susundan ng engkuwentro ng Iriga-Navy at Adamson University sa alas-6 ng gabi.

Matikas naman ang inilaro ng Lady Warriors sa kanilang huling pagsalang.

Subalit kinapos ito sa huling bahagi ng laro para lasapin ang 19-25, 17-25, 25-20, 25-16, 14-16 kabiguan kontra sa reigning Reinforced Conference champions Creamline Cool Smashers.

Kaya naman handa ang Pocari-Air Force na muling mag-takeoff para makabalik sa porma at mapaganda ang kanilang 3-2 baraha.

Walang iba kundi si da­ting MVP Myla Pablo ang pangunahing sasandalan ng Lady Warriors kasama sina middle blockers Jeanette Panaga at Dell Palomata, opposite hitter Iari Yongco, outside spiker May Ann Pantino, at playmaker Wendy Semana.

Gigil ding makaresbak ang Fighting Warays na nakabaon sa three-game losing skid kabilang ang five-set loss sa Ateneo Lady Eagles noong Miyerkules.

Nasa No. 6 ang Tacloban na may 2-4 marka.

Papalo para sa Figh­ting Warays sina Jovielyn Prado, Mary Ann Esguerra, Heather Guino-o at bagong recruit na si Dimdim Pacres.

Sa kabilang banda, mag-uunahan ang Adam­son at Iriga-Navy na makuha ang unang panalo.

Parehong may 0-6 marka ang Lady Falcons at Lady Oragons.

vuukle comment

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with