Archers lusot sa falcons sa ot

Nakipag-agawan sa rebound si Shaun Ildefonso ng NU Bulldogs laban kina Alvin Pasaol at Rey Mark Acuno ng UE Red Warriors.
(Kuha ni Jun Mendoza)

MANILA, Philippines — Naungusan ng De La Salle University ang Adam­son University sa overtime, 79-78, sa Season 81 UAAP men’s basketball tour­nament sa Mall of Asia Are­na sa Pasay City.

Sa mahigpit na depen­sa nina Aljun Melecio, An­drei Caracut at Kib Montal­bo ay hindi pinaiskor ng Green Archers ang Soa­ring Fal­cons sa unang tatlong mi­nuto sa extension period upang itakas ang ikaapat na panalo sa pitong laro at ma­natili sa solo fourth spot.

Ang Adamson ay na­hu­log sa three-way tie sa top spot kasama ang nag­­dedepensang Ateneo Blue Eagles at Far Eas­tern University Tamaraws sa parehong 5-2 kartada pagkatapos ng first round.

Pinangunahan ni Mele­cio ang Green Archers sa kanyang 22 puntos, 4 rebounds, 2 assists at 1 steal, habang may tig-16 markers sina Santi Santillan  at Justine Baltazar.

Sina Caracut at Mon­tal­bo ay tumapos ng tig-wa­­long puntos para sa ma­gandang umpisa ng Green Archers sa second round na magsimula ngayon.

Sa unang laro, umiskor si John Lloyd Clemente ng 21 puntos at may 14 mar­kers si Dave Ildefonso para iangat ang National University Bulldogs sa 88-61 panalo kontra sa University of the East Red Warriors.

Nagtulong sina Cle­men­te at ang magkapatid na Dave at Shaun Ildefon­so ng 24 puntos upang ila­yo ang Bullldogs sa 52-28 kalamangan sa first half tungo sa ikalawang panalo sa pitong laro.

Umani sina Shaun at Dave Ilde­fon­so ng tig-12 puntos para sa NU.

Tumipak si Alvin Pasaol ng 20 puntos, 9 rebounds at 2 steals, habang si Chris Conner ay gumawa rin ng 15 markers para sa ko­ponan ng UE.

Show comments