^

PSN Palaro

Blackwater itataya ang liderato vs NLEX

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Blackwater itataya ang liderato vs NLEX
“Four wins pa lang 'yan. We have to play seven more games,” sabi ni Ramos. “Kailangan lang namin is one game at a time.”
Jun Mendoza/File

Laro Ngayon(Smart Araneta Coliseum)

4:30 p.m. NLEX vs Blackwater

7 p.m. Rain or Shine vs Magnolia

MANILA, Philippines — Bagama't sinosolo ang liderato bitbit ang imakuladang 4-0 record ay hindi pa nagkukumpiyansa si coach Bong Ramos sa tsansa ng Blackwater 2018  sa PBA Governor’s Cup.

“Four wins pa lang 'yan. We have to play seven more games,” sabi ni Ramos. “Kailangan lang namin is one game at a time.”

Puntirya ang pang-limang sunod na panalo, la­labanan ng Elite ang NLEX Road Warriors ngayong alas-4:30 ng hapon bago ang bakbakan ng Magnolia Hotshots at Rain or Shine Elasto Painters sa alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Huling biniktima ng Blackwater, tumapos na may 1-10 marka sa nakaraang PBA Commissio­ner's Cup, ang nagdedepensang Barangay Ginebra via overtime, 124-118 noong Biyernes.

Muling aasahan ng Elite sina NBA veteran Henry Walker, Team Pilipinas members Poy Erram at Allein Maliksi, Mike DiGregorio at guard John Pinto.

“We are for real. We have the confidence in our team and in ourselves,” sabi ni DiGregorio.

Magbabalik naman sa bench ng NLEX si head coach Yeng Guiao matapos igiya ang Team Pilipinas sa fourth window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers at sa 18th Asian Games sa Indonesia kasama si veteran center Asi Taulava.

“The challenge is to continue the tone they have set while I was away, and hopefully get even better,” wika ni Guiao sa Road Warriors, nakalasap ng 112-125 kabiguan sa San Miguel Beermen noong Setyembre 1.

Sa ikalawang laro, babangon naman ang Magnolia mula sa 82-95 pagkatalo sa Phoenix noong Linggo para makatabla sa Alaska sa ikaapat na silya sa pagharap sa Rain or Shine.

vuukle comment

PBA GOVERNOR’S CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with