^

PSN Palaro

Solo 3rd asam ng Blazers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Solo 3rd asam ng Blazers
Muling aasahan ni Perpetual Help coach Frankie Lim si Anton Tamayo (13) sa depen­sa sa pag­sa­gu­pa ngayon ng Altas sa Arellano Chiefs sa NCAA.

MANILA, Philippines — Target ng College of Saint Benilde na masolo ang No. 3 spot upang ma­pa­lakas ang tsansa nito sa Final Four sa pagpapatuloy ng NCAA Season 94 men’s basketball tournament ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Makakasagupa ng Benilde ang Mapua University sa alas-2 na susundan ng duwelo ng University of Perpetual Help System Dalta at Arellano University sa alas-4.

Kasosyo ng Benilde ang Colegio de San Juan de Letran sa ikatlong puwesto hawak ang magka­tulad na 7-4 marka sa ilalim ng nangungunang Lyceum of the Philippines University (12-0) at nagdedepensang San Beda University (11-1).

May tsansa sana ang Blazers na makopo ang solo third place subalit hindi counted ang buzzer-bea­ting basket ni Justin Gutang sa kanilang huling laro para lasapin ng kanilang tropa ang 65-66 kabiguan sa kamay ng San Sebastian College-Recoletos.

Nais sana ng Benilde na magprotesta matapos pirmahan ni team captain Yankie Haruna ang scoresheet.

Subalit hindi na ito itinuloy ng Blazers.

Kaya’t inaasahang babawi ang Benilde lalo pa’t gumaganda na ang laro ni Gutang na nagtala ng career-high 25 points kabilang ang 16 sa fourth quarter laban sa Stags.

Haharapin ng Blazers ang Cardinals na naghahabol ding makakolekta ng mga panalo sa second round para makahabol sa Final Four race.

vuukle comment

NCAA SEASON 94

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with