^

PSN Palaro

Melo pumirma na sa Rockets

Pilipino Star Ngayon
Melo pumirma na sa Rockets
Ito ay matapos lumagda si Anthony, magmumula sa pinakamababang sco­ring season sa kanyang career, sa isang one-year contract sa Houston.

HOUSTON Makakasama na ni Carmelo Anthony sina MVP James Harden at star point guard Chris Paul sa tropa ng Rockets.

Ito ay matapos lumagda si Anthony, magmumula sa pinakamababang sco­ring season sa kanyang career, sa isang one-year contract sa Houston.

Ang nasabing kontrata ay nagkakahalaga ng $2.4 milyon.

Ipinoste ng Rockets ang litrato ng paglagda ni Anthony sa kanilang Twitter account.

Ang Houston ang magiging ikaapat na koponan ng All-Star forward sa loob ng isang taon.

Nagtala ang third overall pick noong 2003 draft ng mga averages na 24.1 points at 3.0 assists sa kanyang 15-year career kasama ang paglalaro niya para sa Denver Nuggets at New York Knicks.

Isang 10-time all-star, nanalo rin si Anthony ng tatlong Olympic gold me­dals para sa United States at naging all-time leading scorer at rebounder ng USA Team.

Naglista ang 34-anyos na si Anthony ng average na career low 16.2 points sa 78 games sa nakalipas na season para sa Oklahoma City Thunder.

Ibinigay ng Thunder si Anthony sa Atlanta noong nakaraang buwan bago binitawan ng Hawks.

vuukle comment

CARMELO ANTHONY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with