^

PSN Palaro

Ateneo pumuwesto sa 4th place sa Jones Cup

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Ateneo pumuwesto sa 4th place sa Jones Cup
Tinapos ng Blue Eagles ang kampanya nito tangan ang 5-3 baraha.

MANILA, Philippines — Tumupi ang Ateneo de Manila University sa Iran, 63-70  upang magkasya sa ikaapat na puwesto sa 2018 William Jones Cup na ginanap sa Xinzhuang Gymnasium sa New Taipei City, Taiwan.

Tinapos ng Blue Eagles ang kampanya nito tangan ang 5-3 baraha.

Nanguna si Matt Nieto para sa Ateneo tangan ang 14 markers habang nagdagdag naman si Angelo Kouame ng double-double na 11 points at 14 boards.

Naging tinik sa kampanya ng Blue Eagles si Vahid Dalirzahan, miyembro ng Iran national team na naglalaro sa FIBA World Cup qualifiers, nang umiskor ito ng 26 puntos tampok ang 11 sa third period.

“Great fight by Ateneo. Missed a medal but gave the country so much to be proud of,” wika ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes.

Bago matalo sa Iran, naitarak muna ng Blue Eagles ang 77-76 pukpukang panalo laban sa Chinese-Taipei Blue – ang national team ng Taiwan na sasabak sa Asian Games sa Agosto sa Indonesia.

Nadagit ng Ateneo ang panalo matapos ibaon ni Nieto ang game-winning three-pointer para paiyakin ang libu-libong Taiwanese na nanood sa venue.

Napantayan ng Blue Eagles ang fourth-place fi­nish ng Gilas Cadets noong nakaraang taon.

Higit pa rito, nakakuha ang Ateneo ng malalim na karanasan upang lubos na katakutan sa nakatakdang pagdepensa nito ng titulo sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament na magbubukas sa Setyembre.

vuukle comment

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with