JRU, Mapua agawan sa buwenamano
Lalarga ang nag-iisang seniors game sa pagitan ng Heavy Bombers at Cardinals sa alas-4 habang maghaharap din sa juniors class ang Jose Rizal at Mapua sa alas-2 sa unang NCAA on Tour sa taong ito.
https://www.facebook.com/JoseRizalUniversity

JRU, Mapua agawan sa buwenamano

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - July 12, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mag-uunahan ang Jose Rizal University at Mapua University na makuha ang unang panalo sa kanilang paghaharap ngayong hapon sa NCAA Season 94 men’s basketball tournament sa Jose Rizal Gym sa Mandaluyong City.

Lalarga ang nag-iisang seniors game sa pagitan ng Heavy Bombers at Cardinals sa alas-4 habang maghaharap din sa juniors class ang Jose Rizal at Mapua sa alas-2 sa unang NCAA on Tour sa taong ito.

Parehong nawalan ng key players ang Heavy Bombers at Cardinals ngu­nit optimistiko pa rin ang dalawang tropa na makasabay sa malalakas na koponan sa taong ito gaya ng reigning champion San Beda University at Season 93 runner-up Lyceum of the Philippines na kasalukuyang magkasosyo sa liderato taglay ang magkatulad na 1-0 marka.

Wala na sa Jose Rizal sina Teytey Teodoro,  AbdulRazak AbdulWahab, Abdel Poutouchi at John Grospe.

Kaya’t naiwan ang pa­sanin kina Mark dela Virgen, Jed Mendoza, Darius Estrella at Aaron Bordon.

“It will be a tough season for us but we will try to compete even though we’re really a young team,” ani JRU mentor Vergel Meneses.

Sa kabilang banda, ito ang ikalawang season na wala sa Cardinals si NCAA MVP Allwell Oraeme ngunit nariyan sina Christian Bunag, Warren Bonifacio, Jasper Salanga at Noah Lugo para manatiling matikas ang tropa.

 Nagtapos sa huling puwesto ang Cardinals noong nakaraang taon hawak ang 3-15 baraha.

JOSE RIZAL UNIVERSITY NCAA SEASON 94 MEN’S BASKETBALL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with