^

PSN Palaro

Pinoy cue masters may laban sa Olympic gold kung...

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pinoy cue masters may laban sa Olympic gold kung...
Kumikilos na ang ilang grupo at personalidad upang itulak ang billiards na mapasama bilang regular event sa Olympics.

MANILA, Philippines — Posibleng mangga­ling sa billiards ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympic Games.

Kumikilos na ang ilang grupo at personalidad upang itulak ang billiards na mapasama bilang regular event sa Olympics.

Sa katunayan, pormal nang nagsumite  ang  World Confederation of Billiards Sports (WCBS)  ng kahilingan sa International Olympic Committee.

Target ng grupo na maibilang ang billiards sa mga lalaruin sa 2024 e­dis­yon ng quadrennial meet na idaraos sa Paris, France.

Suportado ng billiards association ng host country - ang Fédération Française de Billard (FFB) - ang aksiyon ng grupo.

Kung matutuloy ito, malakas ang tsansa ng Pilipinas na tuluyang tuldukan ang pagka-uhaw ng bansa sa gintong medalya.

Isa ang Pilipinas sa itinuturing na powerhouse country sa mundo ng billiards.

Kasalukuyang hawak ni Carlo Biado ang korona ng World 9-Ball Championship.

Nakasungkit din si Biado ng gintong medalya noong 2017 World Games na ginanap sa Wroclaw, Poland.

Maliban kay Biado, ilang kilalang Pinoy cue masters pa ang gumawa ng ingay sa mga nakalipas na taon.

Itinanghal na ring kampeon sa World 9-Ball sina Efren “Bata” Reyes (1999), Ronnie Alcano (2006) at Francisco “Django” Bustamante (2010).

Sa World 8-Ball Championships, nakahirit din ng korona sina Reyes (2004) at Alcano (2007) gayundin si Dennis Orcollo noong 2011.

Umaariba rin ang Pilipinas sa women’s division kung saan dalawang beses nasungkit ni Rubilen Amit ang Women’s World 10-Ball Championship noong 2009 at 2013.

vuukle comment

PINOY CUE MASTERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with