Umiskor si rookie Jielo Razon ng 18 points para igiya ang Perpetual Altas sa 83-67 panalo laban sa EAC Generals sa Fil Oil Flying V Preseason Cup.
Letran kinumpleto ang quarterfinals ng FilOil
(Pilipino Star Ngayon) - June 11, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Iginupo ng Colegio de San Juan de Letran ang Arel­lano University, 71-63, para makumpleto ang quar­terfinal cast sa Group B ng 12th FilOil Flying V Preseason Cup kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Ang panalo rin ng Knights ang tumapos sa pag-asa ng San Sebastian Stags na makapasok sa quarterfinals.

Umangat ang Letran sa 5-3 marka para samahan ang College of Saint Be­nilde (6-1), Far Eas­tern University (6-1) at Adamson University (5-2) sa quarters.

Mainit ang palad ni Bong Quinto nang umiskor ng 18 puntos kabilang ang 12 sa fourth period para pamunuan ang Knights.

Itinarak ni Quinto ang uma­atikabong tres para sa 67-57 kalamangan sa pagpasok ng huling dalawang minuto.

Mula dito ay hindi na lu­mingon pa ang Letran para kubrahin ang panalo.

“I don’t know if it was be­cause of the weather but not only Bong but the entire team did not play well in the first half. Good thing our frontline stepped up in the second half plus the leadership of JP Calvo,” ani Letran mentor Jeff Napa.

Nakakuha naman sina Jerrick Balanza at Christan Fajarito ng tig-11 puntos, sa­mantalang may 10 mar­kers, pitong rebounds, tatlong assists at tatlong steals naman si JP Calvo.

Sa quarterfinals, makakasagupa ng Letran ang top seed sa Group A.

At handa ang bataan ni Napa na harapin sinuman ang makalaban nito.

“The important thing is how we will execute our plays and take this expe­rience to the NCAA,” dagdag ni Napa.

Magandang ti­napos ng University of Per­­petual Help System Dalta ang kampanya nang gapiin ang Emilio Aguinaldo College, 83-67, para sa 2-7 baraha.

“Right now, we are focu­sing on our teaching and they have to learn new things. I hope the Perpetual com­munity will be patient as we are trying to build a stronger team,” ani Altas coach Frankie Lim. (CCo)

12TH FILOIL FLYING V PRESEASON CUP COLEGIO DE SAN JUAN DE LETRAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with