Alcantara kampeon sa doubles sa Singapore
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 30, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasungkit nina Francis Casey Alcantara at American partner Colin Altamirano ang kampeonato sa doubles event ng International Tennis Federation (ITF) Men’s Futures 2 na ginanap sa Kallang Tennis Center sa Singapore.

Tatlong seeded pairs ang pinataob nina Alcantara at Altamirano para matamis na angkinin ang kampeonato - kabilang ang 6-1, 6-4 demolisyon kontra kina top seeds Shintaro Imai at Takuto Niki ng Japan sa finals.

Humirit ng tiket sa finals sina Alcantara at Altamirano nang gulantangin nito sina Australian duo Maverick Banes at Blake Ellis sa pamamagitan ng 5-7, 7-5, 10-7 come-from-behind win.

Nauna nang tinalo nina Alcantara at Altamirano sina fourth seeds Justin Barki ng Indonesia at Thai-Son Kwiatkowski ng Amerika sa first round, 6-3, 6-4 at sina Australian tandem Jeremy Beale at James Frawley sa quarterfinals, 6-4, 6-3.

Ito ang unang ITF double title sa taong ito ng Australian Open juniors doubles champion na si Alcantara.

Sunod na sasabak ang 26-anyos Cagayan de Oro City pride sa China F7 Futures na gaganapin sa Luzhou, China.

Makakapares ni Alcantara sa pagkakataong ito si Chinese netter Sun Fajing.

Makakalaban nina Alcantara at Sun sa first round sina He Xiaoyu at Zhang Xiaoyang ng China.

FRANCIS CASEY ALCANTARA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with