_ngayon
^

PSN Palaro

GAB ‘di muna magpapataw ng parusa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi muna maggagawad ng parusa ang Games and Amusement Board (GAB) kaugnay sa isyu ni NLEX rookie at Gilas Pilipinas guard Kiefer Ravena.

Sinabi kahapon ni GAB chairman Abraham Mitra na kailangan munang dumaan sa proseso ang lahat bago sila gumawa ng aksyon sa pagiging positibo ni Ravena sa paggamit ng ‘performance-enhancing drugs’ (PEDs).

“There has to be due process,” wika ni Mitra sa pagbagsak ng 24-anyos na si Ravena sa isang random drug test na isinagawa ng FIBA matapos ang laro ng Gilas Pilipinas at Japan.

Positibo rin ang na­ging resulta sa hiniling na ikalawang drug test ng Sama­hang Basketball ng Pilipinas sa FIBA para kay Ravena.

Posibleng humarap si Ravena sa suspensyon sa PBA at GAB.

“But not immediately a revocation of his license. We have to study the si­tuation as we await copies of the test and its results,” paglilinaw naman ni Mitra.

GAMES AND AMUSEMENT BOARD GILAS PILIPINAS KIEFER RAVENA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with