^

PSN Palaro

Cardinals makikisalo sa liderato vs Red Warriors

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Target ng Mapua University na makisalo sa liderato sa pagharap nito sa University of the East  sa pagpapatuloy ng 12th FilOil Flying V Preseason Cup ngayong araw sa The Arena sa San Juan City.

Magtitipan ang Cardinals at Red Warriors sa alas-4:30 ng hapon habang lalarga naman ang duwelo ng University of the Philippines at Emilio Aguinaldo College sa alas-12:30 ng tanghali.

Masisilayan din ang bakbakan ng Adamson University at Jose Rizal University sa alas-2:15 gayundin ang laban ng Colegio de San Juan de Letran at San Sebastian College-Recoletos sa alas-6:30 ng gabi.

Nakahimpil ang Mapua sa No. 2 spot tangan ang malinis na rekord kasalo ang reigning UAAP champion Ateneo de Manila University na may parehong 4-0 kartada sa Group A.

Nangunguna ang De La Salle University na may imakuladang 5-0 baraha.

Sa juniors, maghaharap ang Mapua-Malayan High School at San Beda High School sa alas-10 ng umaga. (CCo)

FILOIL FLYING V PRESEASON CUP

MAPUA UNIVERSITY

UNIVERSITY OF THE EAST

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with