Cavs iiwas mabaon sa 0-3
INDEPENDENCE, Ohio— Nahulog sa malaking 0-2 pagkakabaon ang Cleveland Cavaliers laban sa Boston Celtics sa Eastern Conference Finals.
Ngunit kumpiyansa pa rin si coach Tyronn Lue na makakabalik sa serye ang kanyang Cavaliers.
“We know what it takes,” wika ni Lue. “We’re down 0-2. No need to panic.”
Kinatigan naman ito ni Cleveland All-Star forward Kevin Love sa bisperas ng Game Three.
“We know what we’ve got to do,” sabi ni Love.
Dalawang taon na ang nakakalipas, naiwanan din sa 0-2 at 1-3 ang Cavaliers ng karibal na Golden State sa NBA Finals bago nakabangon at agawin ang korona na tumapos sa 52-year championship drought ng lungsod.
Noong 2007 playoffs ay binuhat ni LeBron James ang Cavs mula sa 0-2 pagkakaiwan laban sa Detroit Pistons na naresulta sa kanilang Game Five road win.
Subalit nasa Celtics ang momentum na hindi na pakakawalan.
“We’re just gonna try to use it and ride it,” sabi ni forward Marcus Morris.
Bumalikwas si James mula sa malamyang laro sa Game One sa pagtatala ng triple-double mula sa tinapos na 42 points, 12 assists at 10 rebounds sa Game Two.
Ngunit hindi siya nakakuha ng solidong suporta mula sa kanyang mga teammates.
“That’s a game-changer in itself,” wika ni Morris, isa sa mga defenders na ginagamit ni Boston coach Brad Stevens para limitahan si James.
- Latest