^

PSN Palaro

F2 Logistics swak sa finals

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
F2 Logistics swak sa finals
Hinatawan ni Dindin Santiago-Manabat ng Foton sina Cherry Nunag at Kim Fajardo ng F2.

MANILA, Philippines — Iginupo ng nagdedepensang F2 Logistics ang two-time champion Foton sa bisa ng agresibong 25-19, 25-18, 25-21 demolis­yon upang masikwat ang unang silya sa finals ng Philippine Superliga Grand Prix kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Minanduhan ni playmaker Kim Fajardo ang matikas na kamada ng Cargo Movers sa attack line matapos maglatag ng 28 excellent sets para tulungan ang kanilang tropa na makabalik sa finals.

“May sistema kami na sinusunod. May mga ba­gong players kami pero nag-adjust sila sa system marunong silang makisama sa amin. Yung kumpiyansa namin at tiwala sa isa’t  isa nandun. Defending champion kami at ayaw naming mawala sa amin yung title,” ani Fajardo.

Nakalikom ng kabuuang 43 attacks ang F2 Logistics karamihan ay mula kina reigning MVP Maria Jose Perez ng Ve­nezuela at Am erican Kennedy Bryan subalit malaki rin ang nai-ambag ni team captain Cha Cruz gayundin nina middle blockers Aby Maraño at Chery Nunag.

“Malaking bagay na nakuha agad namin itong panalo sa semis dahil mahirap na bigyan ng chance ang Foton. Solid ang lineup nila nandiyan pa si Jaja Santiago. Well-prepared lang kami, nasunod yung game plan. Napagana rin ni Kim yung middle b­lockers namin,” pahayag ni Cargo Movers mentor Arnold Laniog.

Lamang din ang Cargo Movers sa blocks, 7-6 at service aces, 4-3. Subalit malaking puntos ang nakuha ng F2 Logistics sa errors ng Tornadoes sa larong tumagal lamang ng isang oras at 19 minuto.

Desidido ang Tornadoes na makahirit dahil dumidikit pa ito sa third set.

Mula sa 9-14 pagkaka­lugmok, nagawang mai­baba ng Foton ang bentahe ng F2 Logistics matapos umariba ang magkapatid na sina Jaja Santiago at Dindin Santiago-Manabat para sa 14-16.

Agad na sumagot ang Cargo Movers sa likod nina Maraño at Perez para mu­ling lumayo sa 21-16.

Makakasagupa ng Cargo Movers ang magwawagi sa Petron at Cocolife.

Lalaruin ang Game 1 ng best-of-three cham­pionship series sa Martes.

vuukle comment

F2 LOGISTICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with