Matthysse ‘di minamaliit ang kakayahan ni Pacquiao
(Pilipino Star Ngayon) - April 25, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi binabalewala ni World Boxing Association welterweight champion Lucas Matthysse ang kakayahan ni Manny Pacquiao.

Maski na idineklara niya at  ng kanyang promoter na tapos na ang panahon ni Pacquiao.

“Look, he’s still a very good fighter,” sabi ni Matthysse sa 39-anyos na si Pacquiao. “You can’t underestimate him.”

Nangako si Matthysse na pababagsakin si Pacquiao sa kanilang laban sa Hulyo 15 at tuluyan nang pagreretiruhin ang Filipino boxing superstar.

Ngunit alam ni Pacquiao na ang kanyang kabiguan ay nangangahulugan nang tuluyan na niyang paghinto sa boxing.

“For me, it’s a risk also. My first defense, I’m fighting a very tough fight,” wika ni Matthysse.

Nagkasama ang dalawang boksingero sa isang two-city press tour sa Manila at Kuala Lumpur para sa promosyon ng kanilang laban.

Gustong isipin ni Matthysse na lalabanan niya ang isang Pacquiao na nasa kondisyon at magandang pangangatawan.

Ilang segundong natahimik si Matthysse nang tanungin kung aling laban ni Pacquiao ang kanyang naaalala.

 “Morales,” sabi ni Matthysse kay Mexican legend Erik Morales na tatlong beses hinarap si Pacquiao.

“They were really good fights,” ani Matthysse sa naturang trilogy na nangyari noong March 2005 hanggang November 2006.

Nasa unang taon pa lamang si Matthysse bilang pro boxer nang magharap sina Pacquiao at Morales sa unang pagkakataon kung saan nanalo ang Mexican.

“But for the most part, I’ve watched pretty much every one of his fights, when he was defending his titles,” ani Matthysse.

PACQUIAO VS MATTHYSSE
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with