^

PSN Palaro

Blaze Spikers nagsolo sa unahan

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Blaze Spikers nagsolo sa unahan

Na-blocked ni Jeanine Mae Horton ng Cignal ang laglag ni Hillary Hurley ng Petron sa PSL Grand Prix.

Laro sa Martes (Muntinlupa Sports Center)

4:15pm SMA vs CCL

7pm CHD vs FOT

MANILA, Philippines — Mabilis na nakabawi ang Petron sa masamang second set tungo sa 25-17, 8-25, 25-20, 25-17 panalo laban sa Cignal upang masolo ang liderato sa Philippine Superliga Grand Prix kahapon sa Sta. Rosa Sports Center sa Sta. Rosa, Laguna.

Naasahan ng husto ng Blaze Spikers sina American imports Hillary Hurley at Lindsay Stalzer na siyang nanguna sa opensa ng tropa para makuha ang ikalawang sunod na panalo.

“They (Cignal) are a tough team. They had a great run and it’s a good test for us. We’re just comfortable playing together right now and it’s a big help for us,” wika ni Hurley.

Bumira si Hurley ng 14 attacks, tatlong aces at isang block habang nag-ambag naman si Stalzer ng 13 kills at limang aces sa larong tumagal ng isang oras at 43 minuto.

Maganda ang simula ng Blaze Spikers nang umariba ng husto sina Stalzer at Hurley katuwang sina local aces Mika Reyes at Remy Palma para magaan na makuha ang 1-0 bentahe.

Subalit tila binuhusan ng malamig na tubig ang Petron matapos rumatsada ang Cignal sa second set kung saan nagpakawala ng matatalim na atake sina American open hitter Jeane Horton at Sonja Milanovic.

Tangan ng Cignal ang 10-8 bentahe nang magpasabog ito ng 15-0 run sa likod ng matatalim na aces ni Milanovic at matutulis na cross court hits ni Horton na sinabayan ng ilang unforced errors ng Petron.

Agad na bumangon ang Petron sa mga sumunod na sets nang pamunuan nina Stalzer at Hurley ang pagrebask at tuluyang a­ngkinin ang panalo.

Bumagsak sa 1-1 ang HD Spikers.

Bigo ang Cignal na dugtungan ang kanilang 25-21, 18-25, 25-17, 25-20 panalo sa Sta. Lucia sa kanilang opening game. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with