Alejandro humataw sa Go For Gold
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - February 14, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umarangkada si J-Jay Alejandro para iangat ang Go For Gold sa 81-69 panalo laban sa University of Perpetual Help  kahapon sa pagpapatuloy ng 2018 PBA D-League Aspirant’s Cup sa JCSGO gym sa Cubao, Quezon City.

Umani si Alejandro ng 23 puntos kabilang na ang limang triples, limang rebounds at apat na assists para putulin na ang two-game losing skid at makisosyo sa three-way tie mula pang-pito hanggang sa pang-siyam na puwesto kasama ang  Wangs-Letran at Che’Lu Bar sa parehong 2-2 win-loss kartada.

Bukod kay Alejandro, umani rin ng 14 puntos at walong rebounds si Cle­ment Leutcheu habang 11 puntos, limang rebounds at tatlong assists mula sa beteranong si Jerwin Gaco.

Tumulong din ng 11 puntos na may kasamang siyam na rebounds at apat na assists, ang huli ay nagbigay daan sa lay-up ni Alejandro para sa final score ng Scratchers.

Mula sa dikitan sa unang tatlong yugto, si­ni­mulan ni Alejandro ang pagratsada para iposte ang 76-64 kalamangan mahigit 4:32 ang natitira sa fourth quarter.

 “Hopefully ito na yung stepping stone namin all throughout the tournament,” sabi ni Alejandro.

Bunga ng kabiguan, nahulog ang Altas sa 1-2 card.  

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with