Pacquiao siguradong aakyat sa ring sa Abril
RCadayona (Pilipino Star Ngayon) - February 9, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kumpiyansa si promoter Bob Arum na mapapana­lisa ni Manny Pacquiao anu­mang araw kung sino ang gusto niyang labanan sa Abril.

Kaya naman ayaw pa ng CEO at chairman ng Top Rank Promotions na mag­banggit ng posibleng ma­kakasagupa ng Filipino world eight-division champion .

“Not until we sign, no. I'm not going to get held up by anybody by releasing a name,” sabi ni Arum sa pa­nayam ng Boxingtalk.com.

Isa si dating Mexican world light welterweight titlist Mike Alvarado sa mga ikinukunsidera ni Arum na itapat kay Pacquiao na lalaban sa Madison Square Garden sa New York City sa unang pag­­kakataon.

“We’re going to find out something in next couple of days, but it’s looking like Manny’s going to be fighting again and it’s most likely going to be at Madison Square Garden on April 14th,” wika ni Arum.

Huling lumaban si Pacquiao noong Hulyo 2 kung saan siya nabigo kay Jeff Horn via unanimous decision at naagawan ng bitbit na World Boxing Organization welterweight belt sa Brisbane, Australia.

Malaki ang posibilidad na piliin ng 39-anyos na si Pacquiao (59-7-2, 38 knockouts) ang 37-anyos na si Alvarado (38-4-0, 26 KOs) na sumasakay sa isang four-fight winning streak.

Nauna nang nagparamdam ng interes si World Bo­xing Association welterweight title-holder Lucas Matthysse (39-4-0, 36 KOs) na sagupain si Pacquiao nga­yong taon.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with