Jarata sasagupa kay Hidaldo sa semis
(Pilipino Star Ngayon) - January 4, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni top seed Marc Andrei Jarata ang mga semifinalists sa 14-under boys’ class ng 29th Andrada Cup age-group tennis tournament na ginaganap sa Rizal Memorial Tennis Center sa Maynila.

Galing si Jarata sa development training camp sa Thailand kung saan nagamit nito ang kanyang natutunan para mabilis na itala ang 6-3, 6-3 panalo laban kay Keno Enriquez sa kanilang quarterfinal match.

Makakasagupa ni Jarata sa semis si No. 5 Jude Hidaldo na umiskor ng 6-1, 6-4 panalo kay Lucas Yupangco.

Nakatakda rin ang hiwalay na bakbakan nina No. 2 Axl Lajon Gonzaga at No. 3 Exequiel Jucutan na nagtala ng impresibong panalo sa kani-kanilang laban.

Nakuha ni Gonzaga ang 6-4, 6-2 desisyon laban kay Samuel Rean Nuguit habang nagtala naman si Jucutan ng mabilis na 6-1, 6-0 panalo laban kay Darwin Cosca. 

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with