^

PSN Palaro

Siklista kanya-kanya nang diskarte sa huling 38 tiket

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Paglalabanan ng mga siklista ang natitirang 38 tiket ngayon sa ikalawa at huling qualifying race para sa LBC Ronda Pilipinas 2018 race proper na nakatakda sa Marso ng susunod na taon.

Pepedal ang 170 sa 200 riders para makipag-agawan sa huling 38 silya sa Danao City Hall at magtatapos sa Plaza Rizal sa Danao, Cebu.

Ang 161 kilometer-race ay dadaan sa Carmen, Catmon, Borbon, Bogo, San Remigio, Tabulan at babalik sa Borobon, Catmon, Carmen at magtatapos sa Danao City.

Ang huling 38 qualifiers sa nasabing one-day race ang sasama sa 20 seeded riders mula noong 2016 at sa 38 pang nakalusot sa unang qualifier na idinaos sa Tarlac City noong nakaraang buwan para sa main, 11-stage race na naglalatag ng premyong P1 milyon para sa magkakampeon.

Sasalang sa main race si 2016 champion Jan Paul Morales ng Navy-Standard Insurance at ang mga da­ting Ronda kings na sina Santy Barnachea at Irish Valenzuela.

Ang 41-anyos na si Barnachea ay dalawang beses nagkampeon sa nasabing annual race, habang si Valenzuela ang nanguna sa ikalawang edisyon noong 2013.

Sina Barnachea at Valenzuela rin ang nanguna sa unang qualifiers sa Tarlac.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with