^

PSN Palaro

Balipure nasolo ang itaas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling dumaan sa butas ng karayom ang Bali- Pure bago kubrahin ang 17-25, 26-24, 25-23, 25-22 panalo laban sa Power Smashers upang sumulong sa unahan ng standings ng Premier Volleyball League Reinforced Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nagpasiklab sa pang­kakataong ito si Far Eas­tern University standout Jerilli Malabanan na pu­malo ng 20 puntos habang umariba rin si three-time NCAA MVP Grethcel Sol­tones na kumamada ng 15 puntos.

Bagamat nanalo ang kanyang bataan, hindi pa rin kuntento si BaliPure coach Roger Gorayeb sa inilaro ng kanyang bataan.

“Ang sama ng laro. Okay lang naman na mag­kamali pero kailangan matuto sila sa mga pagkakamali nila dahil part yun ng learning process. Kailangang mag-mature ang mga players,” ani Gorayeb.

“May mga dapat pang ayusin lalo na sa serves. Hindi pa rin ganun ka-solid ang team dahil nagkakahiyaan pa. Walang communication sa loob ng court. Mga maliliit na bagay na dapat pagtuunan ng pansin para mas maging maganda ang laro namin,” wika pa ng beteranong mentor na siyang humahawak sa National University at San Sebastian College.

Sumulong ang Purest Water Defenders sa 2-0 panimula habang nahulog sa 1-1 ang Power Sma­shers.

Nauna nang tinalo ng Bali Pure ang All-Filipino Conference runner-up Phi­lippine Air Force sa opening day noong Linggo.

Sa men’s division, na­ma­yani ang Sta. Elena Wrecking Balls laban sa Café Lupe Sunrisers sa bisa ng  21-25, 20-25, 25-14, 25-18, 15-12 come-from-behind win.

Dinala ni Ace Mandani ang Sta. Elena sa unang panalo makaraang humataw ito ng 16 puntos mula sa 14 attacks at dalawang aces habang nag-ambag si University of the East player Edward Camposano ng 14 markers.

vuukle comment

BALI- PURE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with