Arcilla kontra kay Tierro para sa PPS-PEPP crown
(Pilipino Star Ngayon) - April 3, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Itinakda nina Johnny Ar­cilla at PJ Tierro ang ka­nilang title showdown ma­tapos walisin ang kanilang mga karibal, habang ina­yos ng magkapatid na Cla­rice at Christine Patrimo­nio ang duwelo para sa wo­men’s crown sa 2017 PPS-PEPP Brookside Open sa Brookside Hills Tennis Club sa Cainta.

Tinalo ni Arcilla, si­na­pawan si Tierro sa kanilang mga nakaraang title cla­shes sa Palawan Pawnshop-Palawan Express Pe­ra Padala Open circuit, si third seed Leander Lazaro, 6-2, 6-4, at giniba ni Tierro si No. 5 Ronard Joven 6-4, 6-4, sa  P300,000 event na suportado ng PPS-PEPP at pinamahalaan ni BHTC president Allan del Castillo.

Pinaglalabanan nina Arcilla at Tierro ang korona at ang premyong P50,000 habang isinusulat ito.

Tinakasan naman ni Cla­rice si Rachelle de Guzman, 7-6 (1), 6-3, habang pi­nataob ni Christine si Chloe Sazara, 6-1, 6-0, pa­ra itakda ang kanilang aga­wan sa premyong P25,000 sa torneong itinata­guyod ng PPS-PEPP, Slazenger, ni­na Rep. Jack Duavit at Ma­yor Johnielle Nieto, ng Victoria Construction, Mitsubishi Mirage, Rublou Mall, 9 One 9 Security Agency, nina chairman Bu­boy Sauro at BHTC pre­sident Allan del Castillo, at ng Phoenix 5R Solid Waste Enterprises at Sebastian Rice Mill.

Samantala, nakipag­tam­bal si Arcilla kay Joven para biguin sina Tierro at La­zaro, 6-4, 7-6 (1), at ang­ki­nin ang men’s doubles title na nagkakahalaga ng P20,000.

Dinaig naman ng mag-utol na Patrimonio sina De Guzman at Khrizelle Sampaton, 6-3, 6-0, para sa women’s title.

PPS-PEPP CROWN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with