^

PSN Palaro

San Miguel, NLEX iisa ang puntirya

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (Smart Araneta Coliseum)

4:15 p.m.  San Miguel vs NLEX

7 p.m.  Star vs Blackwater

 

MANILA, Philippines - Dalawang eksplosibong import ang maghaharap, habang mag-uunahan namang bumangon mula sa pagkatalo ang dalawang koponan.

Ipaparada ng nagdedepensang San Miguel si Arizona Reid sa kanilang pagsagupa sa NLEX na itatapat naman si Henry Walker ngayong alas-4:15 ng hapon sa 2016 PBA Governor’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Nanggaling ang San Miguel sa 124-113 panalo laban sa Phoenix kung saan hindi naglaro ang mga may injury na sina one-time MVP Arwind Santos, Chriz Lutz, Gabby Espinas at Yancy De Ocampo.

“We realized we cannot relax right now because every team has a very competitive import,” sabi ni Beermen coach Leo Austria na nakahugot ng 41 points kay Reid sa naturang panalo sa Fuel Masters.

Nagdagdag naman si back-to-back PBA MVP June Mar Fajardo ng 21 markers kasunod ang 20 ni veteran guard Alex Cabagnot at 12 ni Marcio Lassiter.

Muli ring aasahan ni mentor Boyet Fernandez si Walker, kumamada ng 44 points para tulungan ang Road Warriors sa 96-90 paggiba sa Blackwater Elite.

“I really appreciate the way Henry played this game,” sabi ni Fernandez kay Walker na makakatuwang sina Asi Taulava, Ke­vin Alas, Jonas Villanueva, Mac Baracael at Chico Lanete.

Sa ikalawang laro sa alas-7 ng gabi ay maghaharap naman ang Blackwater at Star, parehong nakalasap ng kabiguan sa kanilang mga unang laro sa torneo.

Nakatikim ang Elite ng 90-96 pagkatalo sa Road Warriors, samantalang nakalasap ang Hotshots ng 92-100 overtime loss sa Mahindra Enforcers.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with