Ronda Pilipinas may pakarera sa publiko
(Pilipino Star Ngayon) - January 30, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Hindi lamang ang mga amateur at pro riders ang matutunghayan sa ikaanim na edisyon ng LBC Ronda Pilipinas kundi pati na rin ang cycling public.

Ito ang inihayag ni Ronda sports development head Moe Chulani hinggil sa pagbubukas ng kompetisyon sa publiko sa unang pagkakataon sa anim na edisyon ng LBC Ronda Pilipinas na sisimulan ng Mindanao Leg na nakatakda sa Feb. 20-27

“Ronda is giving everyone a chance to not just be discovered and represent the country in future international race but also to simply give them a chance to feel the Ronda experience by joining our community ride,” sabi ni Ronda sports development head Moe Chulani.

Bukod sa pagpapakilala sa bagong format at innovations, magsasagawa rin ang Ronda ng isang mountain bike race sa bawat leg sa sixth edition ng Ronda na inihahandog ng LBC at LBC Express katuwang ang Manny V. Pangilinan Sports Foundation, Petron at Versa Radio-Tech 1 Corp. kasama ang Maynilad at NLEX bilang minor sponsors.

Samantala, nakipagtambal ang Ronda sa Aliw Broadcasting Corp., nagmamay-ari sa DWIZ-AM at Home Radio 97.9 FM, bilang official radio partner.

Opisyal na hahataw ang Ronda sa Feb. 20 sa pamamagitan ng road race mula Butuan City.

ALIW BROADCASTING CORP ANG BUTUAN CITY FEB HOME RADIO MANNY V MINDANAO LEG MOE CHULANI PANGILINAN SPORTS FOUNDATION RONDA RONDA PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with