So nakipag-draw kay Carlsen para manatili sa No. 2
(Pilipino Star Ngayon) - December 27, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Nauwi sa draw ang la­ban nina Grand Master Wesley So at GM Magnus Carlsen ng Norway sa sixth round ng 2015 Qatar Masters Open na ginaganap sa Aspire Zone sa Doha, Qa­tar.

Nanatili sa unang pu­wes­to si Carlsen hawak ang limang puntos habang nasa ikalawang puwesto si So kasama ang 12 pang manlalaro tangan ang pare-parehong 4.5 puntos.

Kagrupo ni So sina GM Sergey Karjakin ng Russia, GM Vladimir Kramnik ng Russia, GM Shakhriyar Ma­medyarov ng Azerbaijan, GM Dariusz Swiercz ng Poland, GM Yu Yangyi ng China, GM Anish Giri ng Netherlands, GM Pendyala Harikrishna ng India, GM Surya Shekhar Ganguly ng India, GM Sanan Sjugirov ng Russia, GM Ruslan Po­nomariov ng Ukraine, GM Dmitry Jakovenko ng Russia at GM Ni Hua ng Chi­na.

Nagtala ng panalo sina Harikrishna kay GM Vladimir Fedoseev ng Russia, Ja­kovenko kay GM Viktor Bologan ng Moldova, Sjugirov kay GM Radoslaw Mojtaszek ng Poland, Ponomariov kay Mohammed Al-Sayed ng Qatar at Ni kay GM Santosh Gujrathi Vidit ng India, habang nag­hati sa puntos sina Kram­nik at Mamedyarov, Ganguly at Giri, Karjakin at Swiercz, at Yu at Li Chao.

Sa seventh round ay ma­kakasagupa ng 22-an­yos na si So si Ponomariov.

ACIRC ANISH GIRI ASPIRE ZONE DARIUSZ SWIERCZ DMITRY JAKOVENKO GRAND MASTER WESLEY SO LI CHAO MAGNUS CARLSEN MOHAMMED AL-SAYED NI HUA SHY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with