^

PSN Palaro

Irving handa nang maglaro sa Cavs

Pilipino Star Ngayon

CLEVELAND — Natapos na ang mahabang pagpapagaling ni Kyrie Irving sa kanyang injury.

Ito ang inihayag ng Ca­va­liers’ star point guard sa kanyang Twitter account ka­­hapon.

“I’m back,” sabi ni Irving.

Gagawin ni Irving ang kanyang season debut laban sa Philadelphia 76ers nga­yon matapos mabasagan ng left kneecap sa Game 1 ng nakaraang NBA Finals.

Higit sa anim na buwan makaraang matumba nang magpilit iwanan ang isang defender ng Golden State Warriors, muling isusuot ni Ir­ving ang Cavaliers uniform.

Nagbago ang laro ng Cleveland mula nang ma­wala sa line-up ang 23-an­yos na si Irving.

“This is kind of a new chap­ter,” ani Irving matapos ang kanilang team practice. “It’ll be a different experience, but just the amount of practice, the amount of time I put in, the amount of work that is coming to fruition and I’m just excited that it can happen now.”

Nauna nang inasahang magbabalik si Irving noong nakaraang linggo.

Sinimulan ng Cavaliers ang season sa 17-7 record.

“I’ve been ready to play, but biomechanically, we just wanted to make sure everything was good so I’m not putting myself at higher risk to go out there and get hurt again,” sabi ni Irving sa kanyang kondisyon.

ACIRC

ANG

GAGAWIN

GOLDEN STATE WARRIORS

HIGIT

IRVING

ITO

KYRIE IRVING

NAGBAGO

NATAPOS

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with