Warriors natakasan ang Celtics sa 2OT

BOSTON — Kinaila­ngan ng nagdedepensang Golden State Warriors ang dalawang overtime para manatiling perpekto sa gabing malamya ang na­g­ing shooting ng kanilang reigning Most Valuable Player.

Umiskor si Stephen Curry ng 38 points sa kabila ng pinakamasama niyang shooting performance sa season at nagdagdag ng 11 rebounds at 8 assists para pamunuan ang Warriors sa best start na 24-0 matapos talunin ang Boston Celtics, 124-119 sa double overtime.

“Exhausting, but it was fun,” sabi ni Curry. “Ob­viously, it was nice to get the win. But we had to claw our way to it.”

Isama na ang apat na sunod na panalo sa naka­raang season, may 28-0 karta ngayon ang Golden State sa regular-season at basagin ang kanilang pagkakatabla sa 2012-13 sa Miami Heat para sa second-longest winning streak sa league history.

Ang Los Angeles La­­kers ay nagposte ng 33-game winning streak noong 1971-72.

Lalabanan ng Warriors ang Milwaukee Bucks sa Sabado para kumpletuhin ang kanilang seven-game road trip.

Wala pang NBA team na nakapagtala ng 7-0 sa isang single road trip.

“We will definitely che­rish this, because it doesn’t happen often,” ani center Andrew Bogut.

Tumipa si Curry ng 9-of-27 fieldgoal shooting na pinakamasama niya matapos noong Game 2 ng kanilang NBA Finals ng Cleveland Cavaliers.

Sa iba pang laro, tinalo ng Indiana Pacers ang Miami Heat, 96-83; binigo ng Cavaliers ang Orlando Magic, 111-76; pinatumba ng Detroit Pistons ang Philadelphia 76ers, 107-95; dinaig ng Toronto Raptors ang Milwaukee Bucks, 990-83; iginupo ng Charlotte Bobcats ang Memphis Grizzlies, 123-99; hiniya ng Denver Nuggets ang Minnesota Timberwolves, 111-108; dinagit ng New Orleans Pelicans ang Washington Wizards, 107-105; tinakasan ng Oklahoma City Thunder ang Utah Jazz, 94-90; ginulat ng San Antonio Spurs ang Los Angeles Lakers, 109-87 at tinalo ng Portland Trail Blazers ang Phoenix Suns, 106-96.

Show comments