^

PSN Palaro

Diaz may laban sa gold sa IWF World Championships

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kung pagbabasehan ang rankings ng mga kasali, masasabing may laban sa medalya si Hidilyn Diaz sa gaganaping 2015 IWF World Championships sa Houston, USA mula Nobyembre 20 hanggang 29.

Sa women’s 53-kilogram division kakampanya si Diaz  at base sa gagawing buhat sa torneo, siya ay ran­ked number two kasama nina Li Yajun at Xiaoting Chen ng China sa 220-kg entry weight.

Ang lumalabas na top bet sa dibisyon ay si 2012 London Olympics silver medalist Hsu Shu-chin ng Chinese Taipei ay may 225kg entry.

Sa category 1 lalaban si Diaz at ang mananalo ng mga medalya sa dibisyon ay makakakuha na rin ng pu­westo sa 2016 Rio Olympics.

Makakasama niya si Nestor Colonia na lalaro sa men’s 56-kg category at siya ay number four sa entry kahanay si Yang Chin-yi ng Taipei sa planong buhatin na 280kg.

“May isang chance pa actually dahil qualifying din ang Asian Championship next year. Pero pipilitin talaga namin ni Hidilyn na makuha ang Olympic slot dito sa World Championships,” wika ni Philippine Weightlifting Association (PWA) vice president  Elbert Atilano Sr.

Ibinuhos na ang preparasyon para sa two-time Olympian na si Diaz dahil sumuporta rin ang POC at PSC at natutukan ang kanyang pagkain bukod pa sa pagkakaroon ng medical team, kasama ang psychologist, para makumpleto ang paghahanda mula pisikal hanggang aspetong mental.

ACIRC

ANG

ASIAN CHAMPIONSHIP

CHINESE TAIPEI

DIAZ

ELBERT ATILANO SR.

HIDILYN DIAZ

HSU SHU

LI YAJUN

LONDON OLYMPICS

WORLD CHAMPIONSHIPS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with