Philippine Azkals iiwas matalo vs Yemen
ATan (Pilipino Star Ngayon) - November 11, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Nahaharap sa must-win ang Philippine Azkals laban sa Yemen na gagawin ngayong alas-8 ng gabi sa Rizal Memorial Football Pitch.

Ang laro ay pagpapatuloy sa ginagawang kampanya ng bansa sa 2018 FIFA World Cup Qualifiers at kailangan ng home team na manalo para manatiling nasa kontensyon sa puwesto sa third round mula sa Group H.

May dalawang panalo, isang tabla at dalawang talo karta ang Azkals para sa pitong puntos at sila ay napag-iiwanan ng North Korea at Uzbekistan na may 13 at 9 puntos.

Dapat ding maipanalo ng koponan ang huling dalawang laro laban sa Uzbekistan sa Tashkent at North Korea sa Manila ngunit ang pinagtutuunan muna ng koponan ay ang larong ito.

“It’s a must-win game,” wika ni Azkals coach Tho­mas Dooley sa pre-match press conference kahapon. “If we lose, we’re out. If we win, we’re alive.”

Tinalo na ng Azkals ang Yemen, 2-0 sa unang pagtutuos at ang magpapataas pa ng morale sa Pambansang koponan ay ang inaasahang mas malaking bilang ng mga manonood.

Ikatlong home game na ito ng Azkals pero ang naunang dalawa ay ginawa sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan. Bagama’t tinao rin ang venue ay tiyak na mas mahihigitan ang bilang ng manonood sa Rizal Memorial na di hamak na mas malapit puntahan.

Sa kabilang banda, nangako rin ang bisitang koponan na hihigitan ang ipinakita sa unang tagisan para magkaroon ng mas magandang resulta.

May giyera sa Yemen ngayon at apektado ang lahat pati ang sports program ng bansa.

Magkakaroon ng pagpapalit sa koponan ng Azkals dahil si Roland Muller ang magiging goal keeper kahalili ng may injury na si Neil Etheridge.

ACIRC ANG AZKALS GROUP H NEIL ETHERIDGE NORTH KOREA PHILIPPINE ARENA PHILIPPINE AZKALS RIZAL MEMORIAL RIZAL MEMORIAL FOOTBALL PITCH ROLAND MULLER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with