_ngayon
^

PSN Palaro

Tamaraws mainit ang simula sa 5th DELeague

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (Marikina Sports Center)

7 pm Power Innovation Philippines vs PNP

8:30 pm Hobe Bihon – Cars Unlimited vs Metro Pacific Toll Corporation

MANILA, Philippines – Tinalo ng  FEU-Nicanor  Reyes Medical Fountain (FEU-NRMF) ang Fly Dragons Logistics, 90-80, para sa magarang pa­nimula ng kampanya sa 5th DELeague Basketball Tournament noong Martes ng gabi sa Marikina Sports Center, Marikina City.

Pinamunuan ni Taylor Statham ang Tamaraws sa kanyang 16 puntos habang si dating two-time PBA MVP Willie Miller ay may 13 puntos at 8 assists at si Bright Akhuetie ay may 13 puntos at limang rebounds para sa 1-0 karta.

Si Tolits Natividad ay may 21 puntos para pamunuan ang Fly Dragons.

Nagwagi rin ang Philippine Christian University sa Austen Morris Associates, 88-68, sa ligang suportado ng PSBank, Accel Sportswear, PCA-Marivalley, Angel’s Burger, Mckie’s Construction Equipment Sales and Rentals, Luyong Panciteria, Azucar Boulangerie and Patisserie, JAJ Quick Print Advertising, Mall Tile Experts Corporation, Jay Marcelo Tires, Polar Glass and Aluminum Supply at nina Mr. and Mrs. Dot  Escalona.

Mainit sa kabuuan ng laro si Mike Ayonayon nang kumana siya ng 32 puntos para ibigay sa Dolphins ang ikalawang sunod na panalo.

Para sa resulta ng mga laro maaaring bisitahin ang www.sports29.com.

ACCEL SPORTSWEAR AUSTEN MORRIS ASSOCIATES AZUCAR BOULANGERIE AND PATISSERIE BASKETBALL TOURNAMENT BRIGHT AKHUETIE CARS UNLIMITED CONSTRUCTION EQUIPMENT SALES AND RENTALS DRAGONS LOGISTICS HOBE BIHON JAY MARCELO TIRES MARIKINA SPORTS CENTER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with