2015 RAW Philippine National Powerlifting Championship kasado na sa Fisher Mall
(Pilipino Star Ngayon) - November 2, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Gaganapin ang 2015 RAW Philippine National Powerlifting Championships sa Fisher Mall sa Quezon City sa Nobyembre 21 at 22.

Inaasahang dudumugin ng mga lifters ang dalawang araw na torneo dahil ito ay isang qualifying event para sa ipadadalang koponan sa 2016 Asian Classic Powerlifting Championships at World RAW Powerlifting Championships.

Mangunguna sa sasali ang mga world class powerlifters na sina Joan Masangkay ng Cyber Muscle gym team, Jeremy Reign Bautista ng Valle Verde, Jasmine Martin Gayanes Gorillas, Regie Ramirez at Anita Koykka Zest Power Gym. Kasama rin sa mga sasali ay ang mga batang lifters sa Developmental Division.

Mangunguna rito ang magkapatid na sina 8-anyos Jose at 13-anyos Cirilo Dayao na lalaban sa 33kg. at 43kg. divisions, ayon sa pagkakasunod.

Lalahok din ang magkapatid na Tabuan na sina 9-anyos Janna, 11-anyos Jasmin at Jessa Mae sa larangan ng 31kg. at 35kg. kategorya ayon sa pagka­kasunod.

Ang torneo  ay inorga­nisa ng Powerlifting Association of the Philippines (PAP) sa pamumuno ng pangulong si Eddie Torres at hanap din nila ang tumuklas ng mga bagong mukha para lumalim ang pinagkukunan ng manlalaro na inilalaban sa international tournaments.

ACIRC ANG ANITA KOYKKA ZEST POWER GYM ASIAN CLASSIC POWERLIFTING CHAMPIONSHIPS CIRILO DAYAO CYBER MUSCLE DEVELOPMENTAL DIVISION EDDIE TORRES FISHER MALL JASMINE MARTIN GAYANES GORILLAS JEREMY REIGN BAUTISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with