_ngayon
^

Ko hari ng World 9-Ball

(Pilipino Star Ngayon) - September 19, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Nakuha ni Ko Pin-yi ang ikalawang world title sa bilyar nang pagharian ang World 9-Ball Championship na ginanap sa Al Arabi Sports Club sa Doha, Qatar.

Nakaharap sa race-to-13 finals ang isa pang tinitingala sa sport na si Shane Van Boening ng USA, hindi bumigay si Ko sa balikatan na tunggalian para kunin ang 13-11 panalo.

Bago ang World 9-Ball title, si Ko ay nagkampeon sa World 10-Ball Championship na ginawa sa General, Santos City sa Pilipinas at hiniya niya rito ang pambato ng bansa na si Carlo Biado noong Pebrero lamang.

Magkatabla sina Ko at Van Boening matapos ang 22 racks ngunit umabante ang Taiwanese player sa hill, 12-11 sa isang run-out.

Sargo ni Van Boening sa 24th rack ngunit wala siyang tira para sa isang push. Ibinalik ni Ko ang pagkakataon para tumira sa US player na sumablay sa 2-ball.

Dahil libre ito ay pasok ito sa tumbok ni Ko bago isinunod ang mga nakalatag na bola at hagipin din ang $30,000 gantimpala.

Si Dennis Orcollo ang lumabas bilang pinakama­taas na tumapos sa hanay ng mga Pinoy cue-artists nang umabot siya sa quarterfinals para sa $5,000 gantimpala. (AT)

ACIRC AL ARABI SPORTS CLUB ANG BALL CHAMPIONSHIP CARLO BIADO DAHIL KO PIN SANTOS CITY SHANE VAN BOENING SI DENNIS ORCOLLO VAN BOENING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with