^

PSN Palaro

2015 World Pool 9-Ball Championship: Kiamco umusad pa, Ignacio at Biado sibak sa Last 32

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinagpatuloy ni Warren Kiamco ang magandang ipinakikita sa 2015 World 9-Ball Championship sa Al Arabi Sports Club sa Doha, Qatar nang pataubin niya si Jalal Yousef ng Vene­zuela, 11-7 sa round-of-32 kahapon.

Kontrolado ni Kiamco ang race-to-11 match para magkaroon ng selebrasyon ang delegasyon ng Pilipinas na nalagasan pa ng dalawang manlalaro sa mga naunang laro sa yugtong ito.

Hindi nakabawi si dating world number one player Carlo Biado sa 9-11 pagkatalo kay Ko Pin-yi sa World 10-Ball Finals noong Pebrero sa General Santos City, nang lasapin ang mas masaklap na 4-11 kabiguan.

Namahinga na rin si Jeffrey Ignacio sa kamay ni Singaporean Aloisius Yapp, 6-11.

Magkakaroon ng pagkakataon si Kiamco na ipaghiganti ang pagkatalo ng kababayang si Biado dahil si Ko ang siya niyang kalaban sa Last 16.

Ang aksyon kagabi ay hanggang sa quarterfinals habang ang semifinals at finals ay gagawin ngayon.

Ang World 8-Ball champion na si Dennis Orcollo at Oliver Medenilla ay magtatangka na gawing tatlo pa ang panlaban ng bansa sa Last 16.

Katumbukan ni Orcollo si Hunter Lombardo ng USA habang si Medenilla ay masusukat kay Chang Yu-lung ng Chinese Taipei.

Nakaabot si Orcollo sa yugtong ito nang pinagpa­hinga ang nalalabing Qatari player na si Mishel Turkey sa kumbinsidong 11-1 panalo habang si Medenilla  ay na­ngibabaw kay Karol Skowerski ng Poland, 11-4.

Namaalam naman sa Last 64 sina Doha Asian Games gold medalist Antonio Gabica at Johann Chua sa kamay nina Ruslan Chinakhov ng Russia at Yukio Akagariyama ng Japan sa parehong 11-5 iskor.

vuukle comment

ACIRC

AL ARABI SPORTS CLUB

ANG

ANG WORLD

ANTONIO GABICA

BALL CHAMPIONSHIP

BALL FINALS

CARLO BIADO

CHANG YU

CHINESE TAIPEI

DENNIS ORCOLLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with