Tropa ni Austria sinalanta ng injury

Nasa larawan sina (mula kaliwa) San Miguel Beer mentor Leo Austria na hinirang na Coach of the Year, June Mar Fajardo ng San Miguel ginawaran ng  Defensive Player of the Year at Patrick Gregorio, Chairman ng Talk ‘N Text na pinarangalang  Executive of the Year sa idinaos na PBA Press Corps Annual Awards Night nitong Miyerkules ng gabi sa Century Hotel. Joey Mendoza

MANILA, Philippines - Kung magsisimula ngayon ang PBA Season 41 ay walang paraan para maidepensa ng San Miguel Beermen ang napanalunan nilang dalawang korona noong nakaraang season.

Ito ay dahil ang anim nilang core players, kasama si back-to-back MVP winner June Mar Fajardo ay may mga injury.

Si Fajardo ay kasaluku­yang may foot injury (plantar fasciitis).

“I was bothered by plantar fasciitis on both feet. It improved allowing me to join our practices for over a week. But the plantar fasciitis on my left foot has recurred,” wika ng 6-foot-10 Cebuano behemoth.

Ang point guard na si Chris Ross ay may meniscal tear, habang si Marcio Lassiter ay bumabangon mula sa hamstring partial tear at si Yancy De Ocampo ay sumasakit ang likod.

Si veteran guard Alex Cabagnot ay may tonsillitis at si Gabby Espinas ay may abscess.

Gusto ni Ross ng se­cond opinion, samantalang si Lassiter, may 5mm hamstring partial tear ay pito hanggang 10 araw magpapagaling ng kanyang injury.

Nagsagawa ang Beermen, naghari sa Philippine Cup at Governors’ Cup sa nakaraang season ng scrimmages kasama ang ilang practice players.

Samantala, nagha­handa na ang mga koponan para sa darating na season, kasama rito ang Commissioner’s Cup titlist na Talk ‘N Text na nagmula sa warm-up tourney sa Seoul at sa MVP Cup.

Nagtungo naman ang Rain or Shine sa Australia at nagsanay ang Meralco at Blackwater sa Las Vegas at Malaysia.

Show comments