Diaz lumakas ang tsansa sa Rio Games

MANILA, Philippines – Tumibay pa ang hangarin ni weightlifter Hidilyn Diaz na makalaro sa Rio Olympics nang lumabas bilang pound-for-pound female weightlifter sa Asia.

Nanalo ng tatlong ginto sa katatapos na Asian Seniors Weightlifting Championships sa Phuket, Thailand, si Diaz ay nakakuha ng 322.953 Sinclair total na pinakamataas sa lahat ng sumali sa kababaihan.

Nakabuhat ng 214kgs total sa 53kgs division, si Diaz na may body weight na 52.96kgs ang nalagay sa number one ranking.

Tinalo niya si Zhou Wenyu at Li Ping na lumabas na mga kampeon sa 63kgs (322.107) at Ping sa 58kgs (319.241).

Si Nestor Colonia na nagwagi ng dalawang ginto at isang pilak sa men’s 56kgs category ay may 428.007 mula sa 55.4 kg body weight at 274kgs total lift.

Ngunit si Colonia ay nalagay sa ika-25th overall sa kalalakihan.

Sina Diaz at Colonia ay sasali pa sa World Weightlifting Championships sa Houston na isang Olympic qualifying event.

Show comments