Green, Faried sa NBA 3x

MANILA, Philippines - Sina Kenneth Faried ng Denver Nuggets at Danny Green ng San Antonio Spurs ang magiging special guests sa NBA 3X Philippines 2015 ngayon sa SM Mall of Asia Music Hall sa Pasay City.

Kasamang dumating sa bansa nina Faried at Green ang dance team ng NBA champions na Golden State Warriors at ang mascot na si Frankie ng Philadelphia 76ers.

Ang 6-foot-8 na si Fa­ried ay ang 22nd overall pick ng Nuggets noong 2011 Draft at miyembro ng United States team na kumuha ng gold medal noong 2014 FIBA World Cup sa Spain.

Dalawa naman sa li­mang Warriors dancers ay Fil-Ams. Ito ay sina Patrisha Festejo Yabes at Clarice Santiago Guido.

Ang iba pang miyembro ng grupo ay sina Jekailah Jami Fort, Tarah Dawn Naismith at Amira Kathleen Mourad.

Ang event ay magka­karoon ng Tattoo slam dunk contest, KFC Bucket 3-point shootout, NBA 3X Halftime kasama sina Faried at Green, ang Warriors’ dance team at si Frankie.

Bukod sa main event, itatampok din sa NBA 3X Philippines 2015 ang celebrity division.

Show comments