^

PSN Palaro

Martinez sinikwat ang ginto sa Thailand meet

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos maidepensa ang kanyang titulo sa Trig­lav Trophy noong Abril sa Slovenia, ay inangkin na­man ni Filipino Winter Olympian Michael Martinez ang senior men’s crown sa Asian Open Figure Skating Trophy 2015 na idinaos sa Bangkok, Thailand.

Tumanggap si Martinez, ang unang Asian skater na nakapaglaro sa Winter Games sa Sochi, ng 188.53 points para pitasin ang gold medal at ta­lunin sina Japanese Kenjei Tanaka (182.70) at Hiraoki Sato (145.89).

Bumandera ang 18-anyos na si Martinez sa short program mula sa kanyang Beethoven Egmont Overture performance na nabigyan ng 72.14 points.

Nagtala siya ng pumapangalawang 116.39 buhat sa kanyang Prokofiev’s Romeo and Juliet performance sa free skating para maging first overall at biguin sina Tanaka (61.64 at 121.06) at Sato (55.38 at 90.51).

ABRIL

ACIRC

ASIAN OPEN FIGURE SKATING TROPHY

BEETHOVEN EGMONT OVERTURE

BUMANDERA

FILIPINO WINTER OLYMPIAN MICHAEL MARTINEZ

HIRAOKI SATO

JAPANESE KENJEI TANAKA

MATAPOS

ROMEO AND JULIET

WINTER GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with