^

PSN Palaro

Pacquiao kailangang lumabas ang bilis para manalo – Diaz

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bilis ang magiging susi ni Manny Pacquiao para ma­nalo kay Floyd Mayweather Jr. ayon sa dating nakalaban na si David Diaz.

Mismong si Diaz na dating WBC lightweight champion ang nakakita sa bilis ni Pacman at naramdaman ang lakas ng kanyang mga suntok nang  tinalo siya nito noong Hunyo 28, 2008 sa ninth round.

Idinagdag pa ni Diaz na bagamat walang talo si Mayweather matapos ang 47 laban ay marami sa kanyang mga tinalo ay mababagal na katunggali.

Tinuran pa ni Diaz na nakita rin sa  mga dating laban ni Mayweather na hirap siya kapag ang kalaban ay isang kaliwete at si Pacman ay hindi isang ordinaryong kaliweteng boksingero dahil nagtataglay siya ng mabibigat na kamao.

“Pacquiao’s speed and aggressiveness will be a de­ci­ding factor,” wika ni Diaz sa panayam ng Philboxing.

BILIS

DAVID DIAZ

DIAZ

FLOYD MAYWEATHER JR.

HUNYO

IDINAGDAG

MAYWEATHER

MISMONG

PACMAN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with