Hotshots nakaiwas sa Elite

Tinaasan na lang ng kamay ni Bryan Faundo ng Blackwater si Justin Melton ng Purefoods. (Jun Mendoza)

MANILA, Philippines – Nagposte ang nagde­depensang Purefoods ng 15-point lead sa second quarter.

Ngunit nagawa ng expansion team na makadikit sa isang puntos sa third period at walong puntos sa huling tatlong minuto ng final canto.

Sinabi ni head coach Tim Cone na kuntento na siyang manalo ang Hotshots ng isang puntos.

“The important thing is we gotta win by one point, and anything else is just pogi points,” sabi ni Cone matapos ang 90-82 panalo ng Purefoods kontra sa Blackwater sa 2014-2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Kumamada si PJ Simon ng 18 points kasunod ang 16 ni Joe Devance at 11 ni Allein Maliksi para sa ikalawang sunod na ratsada ng Hotshots kasabay ng pagpapalasap sa Elite ng pang-pito nitong dikit na kamalasan.

Tumabla ang Purefoods sa Meralco at Globaport mula sa magkakatulad nilang 3-3 baraha sa ilalim ng Alaska (6-0), San Miguel (5-1), Ginebra (5-2), Rain or Shine (5-2) at Talk 'N Text (4-2) kasunod ang NLEX (2-4), Barako Bull (1-5), Kia (1-6) at Blackwater (0-7).

Itinala ng Hotshots ang 15-point lead, 46-31, sa 2:23 minuto ng second period bago makadikit ang Elite sa 52-53 sa 5:37 minuto ng third quarter.

Huling nakalapit ang Blackwater sa 72-80 agwat sa 3:39 ng final canto kasunod ang basket nina Devance at Pingris para selyuhan ang panalo ng Purefoods.

Ibinandera nina  Bryan Faundo at Alex Nuyles ang Elite sa pinitas na tig-14 puntos.

Samantala, pupuntir­yahin ng Aces ang kanilang pang-pitong sunod na panalo sa pagsagupa sa Energy ngayong alas-4:15 ng hapon kasunod ang banggaan ng San Miguel at Kia, nasa six-game losing slump, sa alas-7 ng gabi sa Big Dome.

Purefoods 90 - Simon 18, Devance 16, Maliksi 11, Melton 8, Mallari 8, Pingris 7, Taha 6, Barroca 6, Yap 6, Holstein 3, Reavis 1, Gaco 0, Matias 0, Allado 0.

Blackwater 82 - Faundo 14, Salvacion 14, Nuyles 12, Artadi 12, Ballesteros 8, Gamalinda 6, Heruela 5, Erram 4, Laure 4, Tiongson 3, Menor 0, Rodriguez 0, Timberlake 0, Celiz 0.

Quarterscores: 26-21; 46-39; 67-58; 90-82.

Show comments