_ngayon
^

PSN Palaro

Arcilla tinalo si Llaban, susuntok sa semis

Pilipino Star Ngayon

DIGOS City, Philippines--Umiskor si Mandaluyong City bet Jay-R Arcilla ng isang split decision win laban kay Isa­gani Llaban ng Cagayan de Oro City sa quarterfinal round ng PLDT-ABAP National Amateur Boxing Championships.

Halos magkadikit sa iskor ang dalawa matapos ang three rounds, ngunit sa huli ay lumamang si Arcilla kay Llaban, 2-1, papasok sa semifinals ng youth boys light flyweight division.

Makakalaban niya sa semis si John Paul Bentoso ng Pacman team na sumibak kay Fernel Gaspi ng Sorsogon via 3-0 decisioin.

Maghaharap din sa semis sina Jovane Casim ng Cagayan de Oro City at Robert Paradero ng Aglayan, Malaybalay City.

Tinalo ni Casim si Cebu City pride Marco Pomar sa isang nakakagulat na resulta.

Natabla ang dalawa sa 19-19 iskor matapos ang three round na inihinto dahil sa malakas na buhos ng ulan na tumulo sa loob ng boxing ring.

Ang mga judges ang pumili kay Casim para uma­bante sa semis.

Giniba ni Paradero si Jose Peldiguera Jr. ng Occidental Mindoro, 3-0.

 

CASIM CEBU CITY FERNEL GASPI JAY-R ARCILLA JOHN PAUL BENTOSO JOSE PELDIGUERA JR. JOVANE CASIM LLABAN MALAYBALAY CITY ORO CITY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with