Federer, Djokovic ikakasa ang finals

 LONDON -- Lalabanan nina Roger Federer at Novak Djokovic, may pinagsamang 23 Grand Slam titles, sina Milos Raonic at Grigor Dimitrov para sa dalawang tiket sa Wimbledon finals.

Ang 32-anyos na seven-time Wimbledon champion na si Federer ay may hawak na record na 17 majors, habang ang 27-anyos na si Djokovic ay ang 2011 champion sa All England Club at may anim na Grand Slam crowns.

Ito ang ika-35 semifinals match ni Federer at pang-23 naman ito ni Djokovic.

Ang Canadian eighth seed na si Raonic at ang 11th-seeded na Bulgarian na si Dimitrovay parehong 23-anyos.

Sa pagkakasibak kina two-time champion Rafael Nadal at 2013 winner Andy Murray ay tumatayong pa­boritong manalo sa kanilang mga semifinals game sina Federer at Djokovic.

Si Federer ay may 4-0 career lead laban kay Raonic.

Para makatapat si Federer sa semis ay kinailangang talunin ni Raonic sa quarterfinals si Australian teenager Nick Kyrgios, sumibak kay Nadal.

 

Show comments