Phl girls team kontra sa Brazil sa finals ng Street Child World Cup

MANILA, Philippines - Itinakda ng Philippine girls team ang kanilang title match ng Brazil matapos talunin ang Mozambique, 1-0, sa semifinals ng 2014 Street Child World Cup sa Rio De Janeiro.

Binigo naman ng Brazil ang El Salvador, 5-0, sa isa pang semifinals game.

Nakatakda ang finals ngayon.

Nauna nang inilampaso ng Philippine team ang England, 6-0, sa quarterfinals sa likod nina Agot, Angelica, Maylene at Juvie Lynn.

Hindi inilalabas ang kumpletong pangalan ng mga pla­yers kaugnay sa child protection policies.

Nasibak naman ang Philippine boys team ng Pakis­tan, 0-6, sa quarterfinals.

 

Show comments