^

PSN Palaro

Martinez umatras sa World Junior Championship

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na sasali si Winter Games veteran Michael Christian Martinez sa World Junior Championship sa Sofia, Bulgaria mula Marso 10 hanggang 16.

Napagdesisyunan ng kanyang coach na ipagpa­liban ang pagsali sa natu­rang kompetisyon matapos sabihan ng mga doktor na hindi pa magaling ang knee injury ng 17-anyos na figure skater.

“Michael’s doctor has recommended that he withdraw from the World Junior since his knee injury has not completely healed yet and his falls during the current practices are ad­ding to the injuries,” sa post sa Facebook ng ina na si Maria Teresa Martinez.

Nasa US na si Martinez at nagsasanay nang ilabas ang desisyon.

Gumawa ng pangalan si Martinez nang lumabas bilang kauna-unahang Pinoy at figure skater sa South East Asia na nakapasok sa Winter Olympics sa Sochi, Russia.

Hindi rito natapos ang kanyang kuwento dahil napagtagumpayan niya na pumasok sa medal round sa dalawang araw na kompetisyon at tumapos sa ika-19th puwesto sa 29 na naglabanan.

FACEBOOK

GUMAWA

MARIA TERESA MARTINEZ

MARSO

MICHAEL CHRISTIAN MARTINEZ

SOUTH EAST ASIA

WINTER GAMES

WINTER OLYMPICS

WORLD JUNIOR

WORLD JUNIOR CHAMPIONSHIP

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with