^

Elite, Shakers magpapalakas sa F4

Angeline Tan (Pilipino Star Ngayon) - May 13, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Iinit pa ang labanan pa­ra sa awtomatikong pu­wes­to sa Final Four sa pag­salang ng Blackwater Sports at Fruitas sa hiwalay na laro sa PBA D-League Foundation Cup ngayon sa JCSGO Gym sa Quezon City

Kalaro ng Elite ang talsik nang Hog’s Breath sa alas-2 ng hapon matapos ang banggaan ng Shakers at Café France sa alas-12 ng tanghali.

Pakay ng Blackwater at Fruitas ang mahalagang panalo para sa insentibo na ibibigay sa top two teams matapos ang eliminasyon.

Dalawang magkasunod na pagkatalo ang nalasap ng tropa ni coach Leo Isaac na nagbaba sa kanila sa 7-3 baraha.

Ang mga kabiguang na­lasap ay nagbukas din ng pinto para sa bataan ni coach Nash Racela na mag­bakasakaling makuha pa ang insentibo dahil nasa ikatlong puwesto sila kapos ng kalahating laro sa Elite sa 6-3 baraha.

May dalawang laro pa ang Shakers at sakaling mai­panalo nila ito at mag­ka­tabla ang Elite sa 8-3 karta ay sila ang kukuha sa No. 2 dahil sa ‘winner-over-the-other rule’.

Ang NLEX ang nasa una­han sa 7-2 record.

Tiniyak ni coach Isaac na gagawin ng koponan ang lahat ng makakaya para makadiretso sa Final Four.

“Kailangan naming ma­nalo hindi lamang para sa insentibo kungdi para mag­ka­roon ng mahalagang mo­mentum papasok sa next round,” wika ni Isaac.

Sibak na ang Hog’s Breath sa 1-8 marka pero makakaasang lalaban ito ng sabayan upang magkaroon ng disenteng pagtatapos sa unang conference sa liga.

BLACKWATER SPORTS D-LEAGUE FOUNDATION CUP FINAL FOUR FRUITAS LEO ISAAC NASH RACELA QUEZON CITY SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with