Lim tuloy ang laban

MANILA, Philippines - Madaling naibalik ni top seed Alberto Lim Jr. ang kanyang focus sa laro upang pataubin si Vashisht Vinod Cheruku ng India, 6-1, 6-2, para pumasok na sa semifinals sa Week Two ng Ajay Pathak Memorial Cup/ITF 14-Under Development Championships kahapon sa Rizal Memorial Tennis Center.

Sa second set nawala ng panandalian ang focus sa laro ni Lim para makadikit pa ang kalaban sa 3-2. Pero agad na bumalik ang sigla ni Lim tungo sa pagwalis sa tatlong sunod na laro.

Si Lim na lamang ang pambato ng bansa na kasali sa kompetisyong inorganisa ng ITF Grand Slam Deve­lopment Fund at Philippine Tennis Academy para sa nasirang Philta at ITF official Ajay Pathak.

Si Jan Godfrey Seno ay tumaob kay 3rd seed Parikshit Somani ng India, 4-6, 2-6.

Ang pambato sa ka­ba­baihan na si Meredith Jones ay namaalam na rin sa kamay ni Sruta Kirti Gunuganti ng India, 1-3, 3-6.

Show comments