Kakaibang patakbo ng Smart ikinasa

MANILA, Philippines - Sasalubungin ng Smart Communications, Inc. ang 2013 sa pagdaraos ng kakaibang fun run sa E­nero 19.

Tatawaging Live More Run, ang  proyekto ay ga­ga­win sa Nuvali sa Sta. Rosa, Laguna at ang mga makikiisa ay maaaring sumali sa 5-k run na bukas sa kahit anong edad.

“We organized the Live More Runs for us to ce­le­brate new beginnings this 2013,” wika ni Noel Lorenzana, ang Executive VP at head ng Wireless Consumer Division ng Smart.

“This is for all of us who wish to make the most of the new year by enjoying life, celebrating relationships and living more,” dagdag ni Lorenzana.

Para maging kakaiba, ang mga tatakbo ay maaa­ring kulayan ang sarili gamit ang colored powder.

Sa ganap na alas-3 ng hapon sisimulan ang pa­­takbo at hinihiling sa mga makikiisa na dumating sa venue ng maaga para maisaayos ang parking.

Matapos ang patakbo ay magkakaroon ng post-part concert at kasama sa masisilayan dito ay ang ‘grand lantern release’ na ayon kay Lorenzana ay tiyak na kahuhumalingan ng mga sasaksi.

Show comments