^

PSN Opinyon

Malawakang increase sa PhilHealth benefits sa 2024

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Ang bulto ng mga case rate packages ng PhilHealth ay magkakaroon ng malaking adjustment sa pagpasok ng 2024, upang lalong mapagbuti ang proteksyong pang­pinansyal ng mga benepisyaryo kung magkakasakit. Ma­­gandang balita iyan dahil madaragdagan nang malaki ang sagot ng ahensya sa pagpapaospital ng mga members.

Ang PhilHealth ay nagbabayad ng itinakdang (fixed) halaga para sa mga benepisyo nito maging inpatient o outpatient care.

Hindi isasakripisyo ng ahensiya ang antas ng bene­pisyo nito sa kabila ng inflation pagtaas sa halaga ng mga bilihin at serbisyo. Sabi nga ni PhilHealth President and CEO Emmanuel Ledesma, Jr. napapanahong gawin ang rate adjustment upang makaagapay sa tumataas na halaga ng medical care. Makikinabang dito ang lahat ng mamamayan, lalo na ang mahirap.

Aabot sa 30 porsyento ang case rate adjustment para mabawasan ang cash out ng mga pasyente o miyem­bro na magpapagamot sa mga service providers. Bumuo rin ang PhilHealth ng fixed co-payment scheme para lalo pang gumaan ang pagbabayad ng hospital bills ng mga pasyente, kung mayroon mang dapat pang bayaran at makontrol ang posibleng pagtaas ng presyo ng mga serbisyo sa pagamutan.

Nabanggit na natin noong nakaraan ang pagdaragdag sa hemodialysis sessions para sa mga pasyente mula sa dating 90 na naging 156 sessions. Napakalaking kaluwagan nito lalo pa’t mahal ang pagpapa-dialysis.

Ang mga members ay makaaasa sa halagang P405,600 na benepisyo sa dialysis. Ang mga mayroong stage 5 chronic kidney disease ay makatitiyak sa year-round coverage. Tumaas din ang benepisyo para sa Ischemic at hemmoraghic stroke mula P28,000 na naging P78,000, at P38,000 na ginawang P80,000. Kamakailan ay itinaas din ang benepisyo para sa high-risk pneumonia mula P38,000 na naging P90,100.

Napakagandang salubong ito sa bagong taon.

vuukle comment

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with