^

PSN Opinyon

Bagong teknik ng OLA

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Ngayong papalapit na ang Pasko, agresibo ang pang­tutuso ng mga Online Lending Application (OLA) sa social media at sa YouTube.

Tinuturuan ang mga netizens ng step-by step kung paano makautang. Andiyan ang pagpapakitang sila raw ay lehitimo at Security and Exchange Commission Registered.

Lehitimo nga, lisensiyado nga, subalit ang panloloko’t pang-aabuso, nakakubli.

Eto ang bagong technique. Ididikit ang kanilang mga sponsored ads at campaign sa YouTube Page at mga uploaded videos ng BITAG.

Sa YouTube search engine, kapag hinanap ang salitang “bitag”, bubulaga ang mga video advertisements ng mga putok sa buhong OLA.

Oo nga naman, kapag sa mga palabas o sa YouTube Page ng BITAG sila nakita, aakalain ng mga manonood na ineendorso sila ng aming programa.

Mahihikayat ang kahit sino na mangutang dahil nakita­ raw sa BITAG. Kaya ang ending, hulog sa patibong ng pangu­ngutang at panloloko ng mga OLA.

Kuwidaw, wala kaming kinalaman sa kahit na anong OLA. Tandaan, may krusada ang BITAG laban sa mga lintek na OLAng ito.

Hindi lang maawat ang katigasan ng ulo ng ilang Juan Dela Cruz na mangutang sa mga pesteng ito. Binabalewala ang babala ng media maging ng mga otoridad.

At kapag hindi nakapagbayad sa tamang panahon, babalahurain, babastusin, babantaan at bababuyin ng mga kolektor at ahente ng OLA. Sabay takbo sa media katulad ng BITAG para magsumbong.

Kaya mag-ingat! Huwag tangkilikin ang pangtutuso ng kahit na anong OLA! Huwag paniwalaan ang pangga­gamit ng kahit na anong OLA sa pangalan ng BITAG.

Matagal nang nagdeklara ng giyera ang BITAG laban sa mga OLA.

vuukle comment

OLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with